May mga nililigawan ka pero sa bandang huli ay ikaw na mismo ang titigil kasi mararamdaman mong hindi pala siya ang tama para sa iyo. Tulad din ‘yan ng paghahanap ng bahay. Malaki ang papel ng mga real estate agent para maitulay ang tamang bahay na titirhan natin sa habambuhay.
Bukod sa mga brochure at website na maaaring pag-aralan, mahalaga ang gabay ng mga eksperto o professional real estate agent dahil linya nila ang pagbili, pagbebenta o pagpaparenta ng bahay. Mula sa pag-iikot at pagpili sa mga unit, sinisiguro ng mga professional real estate agent na malinis at kumpleto ang dokumento ng bibilhing bahay o ari-arian para sa maayos na paglipat o pagtira.
Hindi birong halaga ang bibitawan sa pagbili ng bahay kaya importanteng makilatis ang mga katangian ng real estate agent katulad ng sumusunod:
- Pinakikinggan ng agent ang mga gusto sa pagpili ng bahay para maihanap ng disenyo o istilong pinapangarap ninyo. Plus factor din ‘yung may solusyon agad sakaling magkaproblema habang pino-proseso ang pagbili sa napiling bahay.
- Tapat ang sales agent sa kompanya at buyer. Importanteng sumusunod sa patakaran ng kompanya at hindi nakikipag-transaksyon sa buyer ng hindi alam ng opisina. Dapat ay kumpleto niya ring ibibigay ang kopya ng mga dokumento at official receipt ng binili ninyong ari-arian.
- Bukod sa propesyunal, mahalaga ring maging approachable at friendly ang sales agent. Sa ganitong paraan, mas magiging magaan at mabilis ang inyong pag-uusap sa inyong transaksyon.
Mahirap ang pagpili at pagbili ng inyong dream house o property pero sa tulong ng mga maaasahang real estate agent, magiging hayahay ang buhay, yan ang sigurado.
Leave a Reply