Ang Japan ang isa sa mga mayayamang bansa sa Asya dahil na rin sa mahusay na pamamalakad ng kanilang gobyerno at sa mga prinsipyo at disiplina na kanilang ikinabubuhay. Kaya naman, walang duda na kahit hindi gaano kalaki ang bansa, mayaman pa rin ito at isa sa mga nangunguna sa teknolohiya.
Isang magandang balita ang inanunsyo ng Japan Information and Culture Center (JICC) ng Embassy of Japan. Ang Japanese Government (MEXT) Scholarship Program ay magbibigay ng malaking oportunidad sa mga Pilipino sa pagbubukas ng Teacher Training and Japanese Studies ngayong 2021.
Sa ilalim ng Teacher Training Program, ang makakapasok na aplikante ay isang taon at kalahati na scholarship upang makapag research patungkol sa school education ng isa sa unibersidad sa Japan, at isang taong para sa Japanese Studies.
Para sa Teacher Training Program, ang mga maaring mag apply ay dapat nasa 35 taong gulang, college graduate, o nakatapos ng teacher training college. Kasama din sa mga requirements na dapat ay mayroong 5 taon ng pagtuturo sa primary, secondary o teacher training sa college sa Pilipinas. Kung ikaw ay kasalukuyang nagtuturo sa kolehiyo ay hindi ka maaring makakuha ng naturang scholarship program.
Para naman sa Japanese Studies, ang aplikante ay dapat 18-30 taong gulang, at nakapag enrol sa anumang paaralan at nakakuha ng major sa Japanese language.
Lahat ng mga nagnanais na mag apply ay dapat magbigay ng mga sumusunod na mga dokumento:
- Academic Transcript of Records
- Certificates of graduation of school/university
- Medical Certificate on Prescribed Form
- Recommendation letter
Lahat ng mga nabanggit ay dapat ilagay sa loob ng isang envelope o folder at naka arrange at nakanumero sa kanang itaas (upper right) ayon sa nakalista sa itaas.
I-email ang application bago o sa araw ng February 5, 2021. Isend sa:
Attn: MEXT Scholarship Program
Japan Information and Culture Center, Embassy of Japan
2627 Roxas Boulevard, Pasay City 1300
Note: Pagkatapos na matapos ang pagpasa ng mga dokumento, isasailalim pa sa eksaminasyon at interview and lahat ng mga aplikante.
{source}
Leave a Reply