Napaka-importante ang pagkakaroon ng OR/CR sa anumang uri ng sasakyan, kung ikaw ay nag-mamayari ng sasakyan dapat mong malaman ang mga bagay na ito lalo kung meron kang motorsiklo.
Alam mo bang ayon sa batas maaari kang maharap sa matinding kaparusahan o paglabag sa batas kung hindi mo mauunawaan ang batas na ito. Ang Republic Act No. 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act batas patungkol sa mga may-ari ng motor o sasakyan.
Ayon sa panukalang batas na ito Section 4 ng RA 11235:
“Any sale or disposition of a motorcycle must be reported to the LTO (Land Transportation Office) within three days after the transaction was done by presenting the original copy and furnishing a machine copy of the notarized deed of sale or similar document that will prove that the unit has been sold or purchased. Failure to do this means the owner of the motorbike could face a penalty of P20,000 to P50,000.”
Kaya kung nakabili ka ng motor na second hand o brand new dapat sundin mo ang mga bagay na ito. Kung anuman ang dahilan kung bakit hindi ka nakakakuha ng mga nasabing dokumento narito ang ilang gabay mula sa LTO para sa pagkuha ng OR/CR duplicate copy.
1) Notarized affidavit
Isang notarized affidavit na katunayan na ang orihinal na dokumento ay hindi na matagpuan o nasira.
2) Government-issued IDs
Two valid primary IDs (government-issued) ng nakarehistrong may-ari ng sasakyan (photocopy na may original signature specimen).
3) Accomplished MVIR form
Actual inspection of the motor vehicle and duly accomplished Motor Vehicle Inspection Report (stencil form)
4) Certification from company
Sakaling ang motorsiklo ay pagmamay-ari ng kumpanya, kailangan din ang patunay na sertipikasyon mula sa kompanya.
5) Authorization letter
Kinatawan ng may-ari para kuhanin ang kinakailangang dokumento mula sa LTO para sa kanya, dapat siyang maghanda ng authorization letter na may kalapip na pirma nito.
Kung ang bagong may-ari ay tutungo sa sangay ng LTO kung saan unang inilabas ang file ng CR, karaniwang tumatagal bago nila ma-verify at mai-print ang isang bagong dokumento. Ngunit kung ang unang file ay inisyu ng isang sangay ng LTO sa malayong lugar at ang bagong may-ari ay nag-a-apply para sa isang dobleng kopya sa isang sangay ng LTO sa loob ng Metro Manila, mas tatagal ang proseso. Kailangan ng opisyal na pagpapatunay ng orihinal na dokumento bago maisyu ng LTO ang bagong CR.
Mayroong higit sa 12 milyong mga motor na hindi pa maa-update ang kanilang pagpaparehistro, at iyan ay talagang isang malaking backlog. Kaya hanggat maaga maging responsable at ayusin ang mga dokumento ng makaiwas sa anumang abala na maaaring kaharapin.
Leave a Reply