Sakaling maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian, magkakaroon ng kanya-kanyang nursing home ang lahat ng munisipyo, bayan, at lungsod ang mga abandona at pinabayaan na senior citizen. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na gagayahin niya ang itinayong Bahay Kalinga ng Valenzuela City na nakapaloob sa Senate Bill No. 737 o kikilalanin bilang “Homes for the Abandoned Seniors Act of 2019,” na magtatayo ng nursing home para sa senior citizen na pamamahalaan ng local government unit (LGUs).
Base sa panukala, magbibigay ang nursing home ng matitirhan, pagkain at damit, tulong medikal at health care, libangan at social interaction activities para sa abandona at homeless ng senior citizen. Matagal nang pangarap ni Gatchalian na magtayo ng tahanan para sa abanadong matatanda simula nang naging kinatawan siya ng first district ng Valenzuela City noong 16th Congress.
Noong 2012, nagtayo ang Valenzuela ng isang nursing home na tinaguriang Bahay Kalinga” o House of Care. Sa kasalukuyan, mayroon 25 homeless o abandonadong senior citizens ang nakatira sa Bahay Kalinga na nabibigyan ng health care. Nagsiislbing halfway house ang Bahay Kalinga para sa matatanda na inabandona, pinabayaan kabilang ang mga unwanted children habang tinutulungan sila ng lokal na pamahalaan na kontakin ang kanilang kaanak, ayon kay Gatchalian.
Dahil mababa ang success rate sa pagbabalik ng matatanda sa kanilang kaanak, may plano nang palawakin ang pasilidad upang mabigyan ng akomodasyon ang mas maraming occupant sa hinaharap,’ giit pa ni Gatchalian. Ginawa ng senador na isa nyang personal na adbokasiya ang ganitong gawain dahil respeto at pangangalaga sa matatanda ang pinakamahusay na ugali ng mga Filipino.
“Unlike western societies, Filipinos choose to take care of their elders themselves in their homes as a sign of gratitude and respect,” aniya.
Ngunit, aniya, tumataas ang bilang ng kaso ng abandonado at pinabayaan na matatanda sa bansa dahil sa ageing population.
“This can be attributed to various reasons such as the economic reality of spending for the care of an elderly person which may become unbearable for households that do not earn enough, family problems that may lead the elderly and their children to become estranged, and the incapability to care for the elderly because of a busy schedule or work related issues,” ayon kay Gatchalian.
Naniniwala si Gatchalian na kapag naisabatas ang panukala. Mababawasan ang bilang ng pinababayaan at inaabandona at walang tirahan na senior citizen sa ating na magbibigay ng katulad ng serbisyo na ibinibigay ng Bahay Kalinga.
Leave a Reply