May post si Ellen Adarna sa kanyang social media account na may kasamang guwapong guy. Ang larawan ay kuha sa Central America in Madrid. Carlos Lemus ang pangalan ng guy at nakayakap pa sa kanya si Ellen. Siya umano ang man in life ngayon ng sexy actress. Pagpapatunay na hiwalay na nga sina Ellen at John Lloyd Cruz.
Sabagay, wala namang masama kung nakikipag-date na si Ellen sa ibang guy. Hindi naman nauwi sa kasalan ang short- lived relationship ng dalawa kahit nabiyayaan na sila ng anak, si Elias Modesto. Walang nakalagay kung sino ba si Carlos Lemus sa buhay ni Ellen, pero may naka-tag sa ibinahaging larawan ng sexy star na account name na @doncarlemuss.
Sinearch namin sa Google ang name ni Carlos at maraming lumabas na kapareha ng nasabing pangalan. Pero mas na-curious kami sa name ni Carlos Alberto Lemus Figueroa na taga-Chile, football player sa kanilang bansa na kabilang sa Everton de Viña del Mar football club bilang goalkeeper. Kung paano sila nagkakilala ni Ellen, ‘yun ang hindi pa namin nalalaman.
Leave a Reply